Sunday, February 15, 2009

Pasasalamat sa lahat :)

muli’y napatunayan ko na naman na may hangganan din ang “haggard days”.

sa wakas at natapos na din ang paggawa ng final draft ng thesis. natapos na din ang foundation day. ang saya! Now, i’m free.

una sa lahat, ako’y nagpapasalamat sa angking katalinuhan at pang-unawa ng mga kapita-pitagang kagrupo ko sa thesis (special mention to darren) dahil sa hindi ako masyadong nakatulong sa paggawa nila dahil sa pagiging abala ko sa paghahanda para sa foundation day. dahil sa inyo, nabawasan ang hirap ng buhay ko. IDOL! sa susunod ulit. hehe. joke lang!

ito seryoso. galingan natin sa defense guys. go!

sa hinayupak na may-ari ng mga shoeprints na umapak sa pinipinturahan naming pillar para sa stage design, hindi kita makakalimutan. sana nakakapaglakad ka pa ngayon. Grrrrr.

sa thinner na wala, salamat. naranasan ko ang maghugas kasama ang paintbrush. at dahil sa tanga din ako, sa pag-aakalang matatanggal ng tubig ang latex ay nilabhan ko ang paintbrush at yun! yun na nga! nagmukha akong may gloves na puti dahil sa pagkalat ng paint sa mga kamay ko.

salamat talaga sa thinner na wala dahil naging matapang ako sa paggamit ng kung anu-ano para lang matanggal ang mala-gloves na puti dahil sa kumalat na paint sa kamay ko. (haha! desperado na kasi ako sa mga panahong yun).

sa oil (kung oil man yun) na dinekwat namin ni cherry sa carpentry department, upang matanggal ang paint sa kamay ko, salamat. ikaw ang nagligtas sa akin sa matinding kahihiyan dulot ng aking katangahan. mabuti at hindi ka naging ang inaakala naming muriatic acid. at kahit na sa tingin nami’y muriatic acid ka, binuhos pa rin kita. oh di ba? I’ve really trusted you from the start! salamat talaga.

sa mga jeep na wala na sa paradahan ng ala una nang madaling araw. salamat din sa inyo dahil sa wakas, bukod sa partas at viron eh nasubukan ko na ding makasakay sa pink na bus ng florida dahil sa wala na akong ibang choice. wala lang. ganun pa rin naman ang feeling. malamig!

sa nanay ko na nagbibigay sa akin ng pamasahe sa mga sinasakyan ko para maremedyuhan ang late kong pag-uwi at makarating pa rin sa bahay kahit na madaling araw na dahil sa mga activities ng student council at sa acads, salamat ng marami.

sa mga tricycle drivers sa amin, salamat sa ligtas na paghatid niyo sa akin sa bahay. sana next time bawasan niyo na ang pamasahe. masyadong mahal. para din akong nadbayad sa big bus sa pagsakay sa tricycle.

sa dakilang adviser namin sa SML, Mam myla, salamat talaga ng marami!. salamat sa pagreremedyo mo sa lahat ng pagkukulang namin. Salamat nang lubos sa pag-aayos sa mga kapalpakan namin. you are our heroine!

sa mga kasama ko sa SML, guys tapos na ang lahat! HAHA! Alam kong lahat tayo’y nagdidiwang nang lubos-lubos sapagkat magiging malaya na din tayo. yeheey! salamat sa mga karanasan. salamat. salamat. salamat.

sa mga estudyanteng nag-enjoy nung foundation day, salamat. always prove the lorma spirit of excellence.

sa aking nakaraan at sa aking kasalukuyan, salamat sa mas pagpapatibay sa aking pagkatao.

salamat sa paggalaw ng orasan sapagkat lagi mong pinapaalala sa akin ang kahalagahan ng masusing pagsusuri para maging epektibo ang bawat kilos ko.

salamat. salamat. salamat. at natapos din ang lahat.

Sunday, February 8, 2009

Panatang Pansarili

kakayanin ko anuman ang mangyari. mananatili akong matatag at ako'y magwawagi.

dapat kong tapusin ang mga sinimulan
sa likod ng pangambang baka ako ang mawala sa mundong pinasukan.
kakayanin ko anuman ang mangyari.mananatili akong matatag at ako'y magwawagi.

pinili ko ito, walang ibang nagtulak sa akin
ako ang may kasalanan kung bakit ako ngayon nahihirapan
walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko
ngunit wala nang magagawa pa ang sisihin ang sarili ko
dahil nandito na ako, wala nang daanan pabalik sa nakaraan
ang tanging naiwan ay ang sangay-sangay ng daang pasulong
magpapatuloy ako sa pag-abante sa daan
kakayanin ko anuman ang mangyari.mananatili akong matatag at ako'y magwawagi.

wala na akong takas sa realidad ng mundo ko
di na tumatalab ang "wala akong panload" at "busy ako" sa mga taong humahanting sa akin
minsan ayoko na ding magising mula sa pagkakahimbing
sa tulog na nagsisilbing daan upang takasan ang mundong puno ng kontradiksyon
gusto ko nang umayaw, ngunit ayokong maging talunan ng buhay
kakayanin ko anuman ang mangyari.mananatili akong matatag at ako'y magwawagi.

minsan, naiisip kong ibahan ang daang tinatahak
ang maglakbay sa kagubatan ng buhay tulad ng dati
yung parang dati, yung parang dati.
komportable ang daan, kumbaga eh sementado
malilim, ligtas
malayo sa dinadaanan ko sa kasalukuyan
ang daang kung tawagi'y "the less travelled road"
nagiging manhid na kasi ako sa mga tinik, sa init,
hindi ko na iniinda ang hirap, wala na akong maramdaman
at alam ko sa sarili ko, hindi ito mabuti
baka mamatay na lang akong hindi nakararamdam ng sakit
ayokong sa huli'y yun ang mangyari sa akin.
wala mang paraan para atrasan ang mundong pinasok ko,
may mga taktikang magbabago nito.
mundong parang sa aking nakaraan, parang yung dati. parang yung dati.
kakayanin ko anuman ang mangyari.mananatili akong matatag at ako'y magwawagi.

sarili ko ang nagtulak sa akin upang lisanin ang kung ano ako sa nakaraan
sarili ko din ang siyang magdadala sa akin doon kung saan magtatagpo ang aking nakaraan at ang kasalukuyan
maraming sa akin doo'y nag-aabang, partikular na ang pamilyang siyang nagsilbi kong lakas sa aking paglalakbay
alam kong dapat akong magpatuloy sa pagtahak sa daang iyon para sa KANILA
ngunit may tanong na siyang laging sumasagi sa isipan ko.
kung ako ang tatahak sa daang para sa KANILA, sino ang tatahak sa daang para sa AKIN?
mahirap para sa akin, dahil aaminin ko, kahit na maraming dagok ay naging masaya ako
alam kong marami akong maiiwan, SILA na nagsilbing sentro ng buhay ko
pero kailangan kong sagutin ang tanong na KANILA o AKIN
alam kong kailangan NILA ako, pero kailangan KO din and pagkatao ko, higit pa ang pangangailangan ng PAMILYA ko sa akin.
Mas matimbang sa akin ang pangalawa, sapagkat hindi ko kayang talikuran ang aking PAMILYA
kakayanin ko anuman ang mangyari.mananatili akong matatag at ako'y magwawagi.

At sa gitna ng pamamaalam sa dating daanan
ay ang pangako ng hindi paglimot sa KANILA
Sapagkat naging parte sila ng kulay
Ng dibuhong tinataglay ng aking buhay
At ang paghingi ng pag-unawa sa pagpapasyang makasarili
makasarili. makasarili. makasarili. makasarili.
alam kong walang magagawa ang mga gabi ng pagluha para sa KANILA at sa AKIN
at makabubuti kung sarili ko muna ang siyang pag-ukulan ko ng panahon.
Sapagkat muli, darating ang araw na ako'y babalik
mas matapang, mas buo.
Sadya lang kasing mas kailangan ako ng pamilya ko.
Hinihingi ko ang KANILANG pag-intindi
kakayanin ko anuman ang mangyari.mananatili akong matatag at ako'y magwawagi.